KAHIT sikat na artista si Tom Hiddleston, pinapanatili niyang pribado ang kanyang personal na buhay.
Sa panayam ng The Telegraph na inilathala nitong Lunes, tila hindi nagustuhan ng 36-anyos na aktor ang tanong ang tungkol sa naging relasyon nila ni Taylor Swift.
Nang tanungin kung pinagsisihan niya ito, sagot ni Hiddleston: “What should I regret, in your mind? I would rather not talk about this if that’s all right.”
Ipinaliwanag niya na sa kabila ng kanyang popularidad, hindi pa rin kabilang ang kanyang personal na buhay sa spotlight.
“I’m just thinking about this. Everyone is entitled to a private life,” ani Hiddleston. “I love what I do and I dedicate myself with absolute commitment to making great art and great entertainment and in my mind I don’t conflict the two. My work is in the public sphere and I have a private life. And those two things are separate.”
Nagsalita ang The Kong: Skull Island actor tungkol sa naging relasyon nila ni Swift, 27, sa March issue ng GQ.
Dumepensa ang aktor sa sinasabi ng mga kritiko na publicity stunt lang ang relasyon nila.
“Of course it was real,” ani Hiddleston. “Taylor is an amazing woman. She’s generous and kind and lovely, and we had the best time.”
Katatapos lang makipaghiwalay ni Swift kay Calvin Harris nang nagsimula ang kanilang ugnayan, at ayon sa aktor ay pareho silang naghahanap ng tunay na koneksiyon nang mga panahong iyon.
“We decided to go out for dinner, we decided to travel … She’s incredible,” aniya.
Sa tatlong buwang ligawan, naipakilala nila ang isa’t isa sa kani-kaniyang magulang, ipinagdiwang ang ikaapat ng Hulyo na magkasama sa taunang star-studded bash ni Swift, at nag-enjoy sa kanilang PDA-filled trip sa Italy at Australia.
“A relationship in the limelight… A relationship always takes work. And it’s not just the limelight. It’s everything else,” ani Hiddleston.
Sa kanyang pagbabalik-tanaw, sinabi ng aktor na hindi niya ito pinagsisihan.
“You have to fight for love,”aniya. “You can’t live in fear of what people might say. You know, you have to be true to yourself.” (People.com)