Isa-isang pinosasan ng mga tauhan ng Taguig City Police ang tatlong katao na nakumpiskahan ng baril at hinihinalang ilegal na droga, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek na sina Roderick Aguila, 45, ng Phase 3 Central, Bicutan, Taguig City; Jennilyn Laoro, nasa hustong gulang, ng Bagumbayan; at Sagira Cabang y Ewob, 41, ng Tawi-Tawi Street, Maharlika Village.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson, dakong 12:00 ng madaling araw ikinasa ng Police Community Precinct (PCP) 2 at Drug Enforcement Team ang Oplan Sita sa Phase 2, Upper Bicutan.

Namataan ng mga pulis ang tatlong suspek na kahina-hinala ang ikinilos sa lugar kaya agad nila itong nilapitan at sinita.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu at isang 9mm Glock 17 na naging sanhi ng kanilang pagkakaaresto.

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition) ang isinampa laban sa tatlong suspek. (Bella Gamotea)