PANGUNGUNAHAN nina Rio Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz at Paralympic bronze medal winner Josephine Medina ang hanay ng mga atleta para sa ilalargang 29th Southeast Asian Games’ Rising Together Baton Run sa Linggo sa Manila.

Makakasama nila sina Olympians Marestella Torres-Sumang at Joy Tabal, members ng national team, Paralympics athletes, Gilas Pilipinas at mga collegiate athletes, gayundin ang Presidential Security Group, Senate at Office of the President.

Magkatuwang na inorganisa ang ‘Baton Run’ ng Philippine Sports Commission (PSC) at embahada ng Malaysia upang masiguro ang tagumpay ng programa na naglalayong palakasin ang kamalayan ng mga kabataan sa sports at paigtingin ang ugnayan ng mga bansa sa rehiyon.

Nakatakda ang SEA Games sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We welcome the government of Malaysia’s enthusiasm. This is a good way to strengthen ties with our neighbors in Southeast Asia,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ginanap ang unang leg ng ‘Baton Run’ sa Brunei nitong Marso 4. Nakiisa sa programa sina Philippine Ambassador in Brunei, H.E. Meynardo Montealegre at PSC Commissioner Celia Kiram.

Mula sa Pilipinas, sunod na lalarga ang programa sa Laos. Lilibutin nito ang lahat ng 11 member-countries ng Southeast Asian Games Council.

Ang 7.5 kilometrong ‘Baton run’ at magsisimula sa Malacanang at matatapos sa Cultural Center of the Philippuines (CCP) ground.