BATANGAS CITY - Namatay ang isang 39-anyos na preso matapos makipagsaksakan sa kapwa niya bilanggo, na nasugatan din sa insidente sa loob ng kanilang selda sa Batangas Provincial Jail sa Batangas City, nitong Lunes.

Dead on arrival sa Batangas Medical Center si Ritchie Dagos, 39, nahaharap sa kasong ilegal na droga, samantalang ginagamot pa ang suspek na si Reynaldo Babal, 51, akusado sa frustrated murder at murder.

Ayon sa report ni PO2 Nelson Ilagan, naglalakad si Dagos sa loob ng selda nang saksakin ni Babal dakong 11:45 ng umaga nitong Lunes. (Lyka Manalo)

Probinsya

DepEd Antique, nagsalita tungkol sa principal na 'tumalak' sa graduation rites