SAN JOSE, Tarlac – Isang simbahan ang tinangayan ng amplifier, electric guitar, microphone, extension wire at iba pang gamit na aabot sa P50,000 ang halaga sa Barangay Burgos, San Jose, Tarlac nitong Martes.

Ayon kay PO2 Wilfredo Lanuza, Jr., dakong 9:00 ng gabi nang nilooban ang Burgos Blessing Church, na pinaniniwalaan ng pulisya na matagal anng minamanmanan ng mga kawatan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Paslit na may dalang ₱500, hinostage ng umano'y adik sa Marawi City