Itinakda ng Sandiganbayan ang paglilitis sa kasong plunder at graft laban sa umano’y utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles at kay dating APEC Partylist Rep. Edgar Valdez.

Ipinasya ng 5th Division ng anti-graft court na itakda sa Mayo 10 ang paglilitis sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ni Napoles at pagkatapos nito ay isasagawa na ito kada pangalawang Miyerkules.

Sa record ng kaso, tumanggap umano si Valdez ng P57.78 milyong kickback sa paglalaan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga pekeng non-government organization (NGO) ni Napoles mula 2004 hanggang 2010.

(Rommel P. Tabbad)

Pelikula

Jennylyn Mercado, naniniwalang importante sinumpaang pangako ng mag-asawa