MAGTATAMBAL sa isang episode ng Maalala Mo Kaya sina Kim Chiu at Gerald Anderson at hindi pa man sinasabi kung kailan ang airing, excited na ang Kimerald fans na muli silang mapanood na magkasama.
May pictures na lumabas na kuha sa taping at ang reaction ng mga nakakita, may ilangan pa sa dalawa. Lalo na sa picture na kasama nila si Daisy Reyes, parang mas dumikit si Kim kay Daisy at umiwas na magkadikit sila ni Gerald.
Pero baka naman may dahilan kung bakit ganu’n ang body language nila.
Understadable kung bakit excited ang Kimerald fans dahil 2006 pa ang last guesting nila sa MMK. (NITZ MIRALLES)