Mga Laro Ngayon

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- UST vs NU

4 n.h. -- ADMU vs FEU

PUNTIRYA ng Ateneo na walisin ang first round elimination kontra sa Far Eastern University ngayon sa UAAP Season 79 men's football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Pinoy mountaineer, naabot tuktok ng pinakamataas na bundok sa Europa

Ngunit, magtatrabaho ng husto ang Blue Eagles sa kanilang laro ganap na 4:00 ng hapon dahil sa pagkawala ni leading goal scorer Jarvey Gayoso matapos masuspinde dahil sa pagkakaroon ng dalawang yellow card ngayong season.

Magtutuos naman ang University of Santo Tomas at National University sa 2:00 ng hapon.

Tangan ng Ateneo ang maximum 18 puntos, limang puntos ang bentahe sa sumesegunda na University of the Philippines at FEU. (Marivic Awitan)