PATERSON, N.J. (AP) — Pumanaw si Lou Duva, ang pamosong Boxing Hall of Famer na humawak sa career sa 19 na world champion kabilang si heavyweight Evander Holyfield, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa edad na 94.

Sa opisyal na pahayag ng pamilya, sumakabilang-buhasy si Duva dulot ng katandaan sa ospital sa Paterson, kung saan siya namumuhay sa mahabang panahon.

Umabot sa pitong dekada ang career ni Duva. Bukod kay Holyfield, hinawakan din niya ang career ni 1984 Olympians Pernell Whitaker at Meldrick Taylor. Nakuha niya ang unang world title mula kay middleweight champion Joey Giardiello noong 1963.

Ang pamilya ni Duva ang nagbuo nang pamosong promotional company Main Events (1978). Tinanghal si Duva na “Manager of the Year” noong 1985 ng Boxing Writers Association of America. Noong 1987, pinangalanan siyang ‘Trainer of the Year’ ng World Boxing Association.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!