Hindi na kailangan pang bisitahin ng isang babae ang kanyang kapatid sa bilangguan dahil magkapiling na sila ngayon matapos siyang arestuhin sa pagtatangkang magpuslit ng shabu sa Manila City Jail sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Kasong paglabag sa Section 11, Article II (illegal possession of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ni Maricel delos Santos, 34, ng 303 Simon Street, Velasquez, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Police Supt. Santiago Pascual III, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 3, dakong 3:35 ng hapon dinalaw ni Delos Santos ang kanyang kapatid sa nasabing bilangguan.

Gayunman, kaagad siyang inaresto ni JO1 Julie Ann Galang, 25, female searcher, nang makumpiskahan ng isang pakete ng shabu na kanyang itinago sa coin purse. (Mary Ann Santiago)

NHCP, sinita watawat ng Pilipinas na nilagyan ng agila