Bumuo ang Commission on Human Rights (CHR) ng bagong fact-finding team para imbestigahan ang umano’y extra judicial killings (EJK) ng Davao Death Squad (DDS), na iniuugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ang bagong investigating body ay bukod pa sa ipinadala nilang grupo sa Davao City noong nakaraang taon na nag-imbestiga rin sa usapin. Susundan ng grupo ang mga lead na ibinunyag ng retiradong pulis-Davao na si Arturo Lascañas.

“Ipu-pursue lahat ng leads na nag-arise kasama na ‘yung testimonya ni retired SPO3 Arthur Lascañas,” ani De Guia.

Kabilang sa sisiyasatin ang pahayag ni Lascañas na pagpatay ng DDS sa isang dating sundalong si Gaudencio “Jun” Bersabal noong 1997. (Rommel P. Tabbad)

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?