Tinuligsa ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kahapon ang desisyon ng Office of the Ombudsman na hindi isama si dating Pangulong Benigno Aquino III sa pagsasampa ng kasong kriminal laban kay dating Budget secretary Florencio Abad kaugnay sa diumano’y ilegal na paglipat ng Disbursement Acceleration Program (DAP) ng Malacañang.

Sinabi ng Davao-based solon na dapat isinama si Aquino sa mga kakasuhan ng usurpation of legislative powers dahil siya ang may-akda ng DAP.

“Bitin ang decision ng Ombudsman dahil dapat kasama si Pres. Aquino sa dapat kasuhan,” diin ni Zarate. “We will definitely file a motion for reconsideration once we officially receive a copy of the decision.” (Jun Ramirez)

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?