INILUNSAD ng gobyerno ang komprehensibong color-coded agricultural guide (CCAG) map nitong Martes na magiging daan para dumoble ang produksiyon ng bigas sa bansa, na mahalaga upang matiyak ang kasapatan sa pagkain.
“We expect rice production to double because of this map. If you are talking of 100-percent growth in rice production, just imagine how huge (its impact on agricultural growth),” saad ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa mga mamamahayag.
Inihayag ni Secretary Piñol na ipinakikita sa mapa na may anim hanggang pitong ektaryang sakahan ang bansa, habang tanging 3.9 na milyong ektarya lamang dito ang tinataniman ng palay.
Aniya, magagabayan ng color-coded agricultural guide ang 12 milyong magsasaka tungkol sa pinakaangkop na pananim na maaari nilang itanim sa kanilang mga probinsiya at rehiyon. Maaari silang pumili ng angkop na tanim na makalilikha ng malaking kita.
Tinutukoy ng mapa ang mga agrikulturang lugar na natural na angkop para sa 20 pananim. Maaari itong gamitin bilang gabay sa investment planning, research and development, infrastructure at disaster management.
“It will also guide investors and big businessmen who would like to invest in agriculture,” ani Piñol.
Ibinahagi ni Piñol na gumastos ang gobyerno ng P36 na milyon para maisagawa ang color-coded agricultural guide map sa ilalim ng proyektong Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) sa ilalim ng Department of Agriculture.
“The data here is not constant because the soil fertility changes. We will have new hazards and risks because of climate change. So this is a work in progress, we will continue to improve (this) and through the years, hopefully, we will be able to add more data,” aniya.
Pinag-iisipan din ni Secretary Piñol na magtayo ng mga information center at kiosk lalong-lalo na sa mga barangay para maging accessible ang color-coded agricultural guide map sa mas maraming magsasaka.