Nakapiit ngayon ang isang biyudo makaraang ireklamo ng panggagahasa ng isang 68-anyos na babae sa Compostela sa Compostela Valley, kahapon.

Ayon sa Compostela Municipal Police Station (CMPS), inaresto ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Mario”, 47, makaraang ireklamo ng panggagahasa sa kapitbahay niyang senior citizen sa San Antonio Village, Barangay Maparat sa Compostela.

Nabatid na bandang 6:00 ng umaga kahapon nang dumulog sa pulisya ang biktima para ireklamo ng rape ang suspek, na kaagad namang nadakip sa kanyang bahay.

Inamin ng suspek ang krimen at nagpahayag ng pagsisisi sa kanyang nagawa. (Fer Taboy)
Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City