Asahan ng mga estudyanteng Pilipino ang mas maraming “cutting edge” program na iaalok ng mga piling higher education institution (HEI) sa bansa sa 2018.

Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) na 10 higher education institution (HEI) sa Pilipinas ang nakipag-partner sa mga academic institution sa United Kingdom (UK) para sa implementasyon ng transnational education (TNE) Programmes.

Nakipagpulong kamakailan ang mga HEI sa Pilipinas sa kanilang mga katuwang na academic institution sa UK at tinalakay ang joint development at implementasyon ng mga programa ng TNE sa bansa.

Nakatakdang iaalok sa mga estudyante sa Setyembre 2018, sinabi ng CHEd na ang niche programmes ang pangunahing agenda ng TNE Workshop: Philippine-UK HEI Partnership Meetings na ginanap nitong Pebrero sa Ortigas.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Popondohan ng P5 milyon ang bawat institusyon sa Pilipinas para sa dalawang taong halaga ng mga aktibidad para magdebelop ng “partnerships via curriculum and faculty development, preliminary research, workshops or seminars, teaching materials and equipment needed for the programmes.”

Ang programang ito ay nasa ilalim ng Joint Development of Niche Programmes (JDNP) ng CHED at ng British Council.

“As you know, we are pursuing transnational education with care,” sabi ni CHED Commissioner Minella Alarcon, sa pagpupulong.

Ang Philippine HEI na nakipag-partner sa UK universities ay ang Ateneo de Manila University at Queen Mary University of London; Bicol University at Liverpool University; Central Luzon State University at Swansea University; De La Salle University at Liverpool Hope University; Miriam College at Goldsmith’s University of London; Saint Louis University at University of Leeds; Silliman University at Newcastle University; University of San Carlos at Coventry University; University of Santo Tomas at University of Reading; at University of the Philippines at University of Reading. (MERLINA HERNANDO-MALIPOT)