Nananawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat na ipanalangin ang mga migrante sa iba’t ibang panig ng mundo sa idinaos na misa sa San Jose Manggagawa Parish sa Tondo, Manila para sa pagdiriwang ng 31st National Migrants Sunday.
“Buksan ang ating mga mata sa mga migrante na galing sa ating bansa, galing sa mga probinsiya. Dapat tinitingnan natin sila at kung ano ang kaya nating maitulong, itulong. Ang mga kabataan yung mga pumupunta sa malaking siyudad para mag-aral minsan walang pamilya dito, vulnerable sila baka madala ng mga maling barkada at minsan kapag kulang na sa allowance, kulang na sa pang matrikula ay natutukso, pumasok sa mga hindi kaaya-ayang uri ng buhay,” anang Cardinal.
Tiniyak ni Tagle na ang Simbahan ay magiging pamilya at takbuhan ng mga taong walang mapuntahan at walang tumatanggap. (Mary Ann Santiago)