KAPAPANALO pa lamang as Pinoy Big Brother Lucky 7 Big Winner, nakakaranas na si Maymay Entrata ng intriga.
Maging noong una pa lamang siyang napanood sa PBB, ikinukumpara agad siya sa ilan nating di-kagandahang artista gaya nina Pokwang at Melai Cantiveros na isa ring PBB big winnner.
Pero para kay Maymay, positibo ang dating na ikinukumpara siya sa sikat na celebrities.
Sa panayam kay Maymay pagkatapos ng PBB Lucky 7 last Sunday, sey ng bagong celebrity, “Masaya ako kasi sila rin naman ‘yung mga big star sa Pilipinas.”
Pero nais ni Maymay na magkaroon ng sariling identity sa showbiz.
Tinanong din si Maymay kung nais niyang magkaroon ng ka-love team saka-sakaling pasukin niya ang pag-aartista.
“Para sa akin po kung ano ‘yung ibibigay tatanggapin ko po talaga kasi komportable naman po kami lahat, magkakakilala naman po kami,” sagot ng dalagita.
Pero pagtutuunan daw muna niya ang pag-aaral ng acting skills bago siya sumabak sa showbiz. (Ador Saluta)