Anderson at Mark copy

LAMAN uli ng entertainment news si Mark Bautista dahil siya ang gaganap na Ferdinand Marcos sa musical play na Here Lies Love na ipalalabas sa Bagley Wright Mainstage Theater sa Seattle, USA simula April 9.

Kasabay ng positibong balita, nagkaroon din ng hindi kagandahang isyu si Mark nang maglabasan sa social media ang photos nila ng CNN news anchor na si Anderson Cooper. Nabigyan ito ng ibang kulay at bago pa man niya iyon i-post, alam niya na bibigyan ng malisya ng ilang netizens.

Inihanda na raw niya ang sarili sa intriga.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“’Ni-ready ko ang sarili ko do’n kasi alam kong… alam ko naman. Wala na akong pakialam, eh. I mean, kung wala naman kayong ginagawang masama, ‘di ba?” bungad ng singer-actor.

“I’m so thankful sa course ko sa New York Film Academy, kasi ‘yon ‘yung naging tulay para ma-meet ko ang isang napakaprominenteng tao (Anderson Cooper). Pinapanood ko siya dati and iniidolo ko siya. Sobrang naging gracious siya, ang bait niyang tao talaga.”

Tiyak na may susunod pang isyu sa kanila kapag inimbitahan niya ang CNN news anchor na manood ng Here Lies Love.

“Kung may time siya, I will invite him. Sana may time nga kaso napaka-busy no’n, eh,” ani Mark.

Nagtapos na ang kontrata niya sa Viva Artist Agency, may balak pa ba siyang mag-renew ng kontrata sa kanila?

“Nag-iisip ako, kasi siyempre hindi mo maiwasan na, ‘Magbago kaya ako ng bahay (management)? Pero iniisip ko, kanino o sino naman? I mean, meron, pero panibagong ano na naman – parang back to zero.

“And ‘yung priorities, siyempre marami silang priorities at panibagong pakikisama rin. And hopefully, maging okey.”

May utang na loob naman daw siya sa Viva.

“Actually, ‘yon din ang tinitingnan ko. Nasa Viva ako for almost 15 years. I mean, nag-iisip ako na, ‘Ano ba yan, I think, magre-renew ba ako or something?’

“’Tapos tinitingnan ko rin, ang laki rin ng nagawa sa akin ng Viva. I wouldn’t be where I am now kung hindi dahil sa kanila,” paglilinaw ni Mark. (Ador Saluta)