Nalilito sa sariling imahe. Ito ang buwelta ng Malacañang sa sikat na US television series na nagbigay ng maling paglalarawan sa isang pangulo ng Pilipinas sa ipapalabas na bagong episode nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na iginagalang nila ang gawa ng American television producers ngunit binatikos ang mga ito sa negatibong paglalarawan sa lider ng Pilipinas.

“I think they are confusing their images. I think they are projecting something that they really would like to say about their own situation. Really I think they should use a fictional US President,” sabi ni Abella sa Palace press briefing.

Nang tanungin kung nainsulto ang Palasyo sa negatibong paglalarawan ng US TV show sa lider ng Pilipinas, sinabi ni Abella na: “Well, they engage in something that they would like to…It’s their business, it’s their craft. You cannot deny them their craft -- their taste perhaps.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa bagong episode ng seryeng “Madam Secretary”, nakatakdang ipalabas sa Marso 12, itinatampok ang isang kathang isip na pangulo ng Pilipinas na binabastos ang kathang isip na babaeng US Secretary of State, kaya’t sinuntok siya nito sa mukha. (Genalyn D. Kabiling)