INATASAN ng Department of Interior and Local Government ang lahat ng lokal na pamahalaan na magsumite ng kanilang bukod-tanging mga programa para sa Gawad Galing Pook 2017 bago o pagsapit ng Marso 30, 2017.
Inihayag ni Department of Interior and Local Government Secretary Ismael ‘Mike’ D. Sueno na masaya uli ang kagawaran na makipagtulungan sa Galing Pook Foundation (GPF) sa pagtatampok ng mahuhusay at makabagong programa at kasanayan sa lokal na antas na nagdulot ng malaking epekto sa buhay ng mga tao.
“As we invite LGUs to participate in this year’s Gawad Galing Pook, we are giving possible game changers, in terms of innovations in local governance, a venue to showcase their best practices which is also the core of the citation — for other LGUs to hopefully replicate in their own jurisdiction,” ani Sueno.
Para himukin ang mas maraming lokal na pamahalaan na lumahok sa prestihiyosong parangal, sinabihan ng Kalihim ang mga regional at field officer ng Department of Interior and Local Government na maging aktibong katuwang ng kagawaran sa pamamagitan ng direktang pagno-nominate ng mga lokal na pamahalaan at pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa Galing Pook 2017 sa kanilang mga nasasakupan.
“More than the award, winning programs become models of good governance that’s why it is integral that the DILG does its part to enjoin LGUs to develop more good governance programs worthy to be feted with the Gawad Galing Pook,” aniya
Para matanggap ang entry, dapat na naipatupad ang programa sa loob ng isang taon bago ang deadline ng submission.
Dapat ding patunayan na nagkaroon ito ng makabuluhang resulta. At dapat na may nakapaloob na mga proseso sa loob ng lokal na pamahalaan.
Inilunsad noong 1993, naging unang programa ang Galing Pook Awards sa paghahanap at pagkilala sa mga makabagong kasanayan at programa ng mga lokal na pamahalaan sa bansa. (PNA)