Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan na sumunod sa itinakdang oras ng kanilang trabaho upang hindi matanggal sa serbisyo.

Inilabas ni CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala ang babala matapos makatanggap ng mga reklamo ng hindi pagsunod ng ilang empleyado sa tamang oras ng trabaho at hindi pagtatala nito sa kanilang daily time record (DTR).

Ayon sa Chairperson, may mga katumbas na parusa ang hindi awtorisadong pagliban, madalas na pagkahuli sa pagpasok sa opisina at pagtatambay sa oras ng trabaho.

“These acts are detrimental to public service thus we are reminding all government workers of all departments and agencies to render eight hours of work from Monday to Friday, or not less than 40 hours a week,” saad sa bahagi ng direktiba ni Dela Rosa-Bala. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?