KATHRYN AT DANIEL copy

PAGKATAPOS pakiligin ang fans sa huli nilang film shot in Barcelona, Spain, may handog na namang rom-com-drama movie sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla this summer, ang Can’t Help Falling In Love mula sa Star Cinema.

Sa set ng nasabing pelikula nainterbyu ng Push.com team ang dalawa at ang kuwento ni Kathryn, “Itong movie na ‘to, talagang mag-i-enjoy sila kasi nu’ng ginagawa namin, sobrang enjoy na enjoy kami so sana makita nila ‘yun… And ang dami naming firsts na ginawa dito, so makikita nila ‘yun.”

Ibinida naman ni Daniel ang matatarik na lugar na kanilang tinalon kahit pa raw may fear of heights siya. Ngayon lang daw niya ito ginawa. Sari-saring eksena rin sa dagat ang kinunan sa Cebu na in-enjoy nang husto ng dalawa.

Pinay green card holder na 50 taon na sa US, hinuli ng ICE matapos magbakasyon sa ‘Pinas

“Totoo, tumalon kami, parang first time ‘yun tumalon kami ng ganoong kataas sa pelikula na ito,” kuwento pa ng Teen King. “’Dami namin pinuntahan na mga dagat. Pumunta kaming Cebu, galing kaming north ng Cebu, diretso kami ng south ng Cebu.”

Ibang-iba raw ang pelikulang ito kumpara sa Barcelona: A Love Untold.

“Kasi ito rom-com pero tinake namin siya maturely talaga,” sabi ni Kathryn. “Naging conscious effort ‘yun para sa amin na hindi p’wedeng ‘pag sinabi mong rom-com, ‘yung very Chichay (Got 2 Believe) or very Jackie from Crazy (Beautiful You), dapat iba naman ‘to. So, challenging siya kung paano mo bibigyan ng ibang atake ‘yung rom-com na hindi mo pa nagawa before and ‘yung mga characters din namin kasi working na, eh, like ako... so ‘yung iba, hindi pa talaga sa akin nangyari in real life. ‘Di ko alam kung paano siya sa ganyan, so ‘pag mas hindi nangyari sa ’yo, mas challenging ‘yun.”

“Sobrang masayang-masayang character si Dos,” paglalarawan ni Daniel sa kanyang role, “kailangan lang natin malaman kung ano ‘yung twist no’n.” (ADOR SALUTA)