NEW YORK (AP) – Sinabi ng lalaki na nanguna sa bayolenteng Honduran drug trafficking organization sa isang korte sa New York na sinuhulan niya ang dating presidente ng bansa sa Central America.

Tumestigo si Devis Rivera Maradiaga noong Lunes laban sa anak ni dating Honduran President Porfirio Lobo Sosa. Ayon kay Rivera, binayaran niya ang dating pangulo at ang anak nitong si Fabio Lobo para protektahan ang kanyang operasyon at makakuha ng mga kontrata sa gobyerno na tutulong sa kanyang maitago ang perang nagmula sa droga. Nangyari ang diumano’y panunuhol noong 2009 hanggang 2013. Mariin itong itinanggi ni Lobo.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'