HAYAN, may mga nagkukuwentong kaibigan mismo ni Ellen Adarna na matindi pala siya kapag naglalasing dahil gumagapang sa sahig at war freak pa.

Yes, Bossing DMB, hindi na namin babanggitin kung sino ang mga kaibigan ng sexy star na nagkuwento pero alam na rin siguro ni Ellen kung sinu-sino sila dahil madalas niyang kasama sa inuman.

Ang pagkakaiba lang ay kontrolado ng mga kaibigan ni Ellen ang sarili kapag nakainom sila at bago pa sila tumumba ay umuuwi na, at sa katunayan ay niyayakag na rin daw nilang umuwi ang dalaga, pero ayaw pa nito kaya iniiwan na lang siya.

Hanggang sa nababalitaan na lang daw nila na may inaaway o kaya ay gumagapang na at nakatulog na sa sahig.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

Kaya pala itong si Ellen kapag kung anu-ano ang ipino-post sa Instagram tulad nitong latest na tumutugtog siya ng piano na naka-bra’t panty lang at halatang lango sa alak.

Post ng sexy star, “The piano was too beautiful and I was extremely drunk. #BikiniSaGabi #DontDrinkandPiano Hala sige paa!!!!! #CANONinDrunk lol Canon in Dinagkadimao.”

May pictorial din siyang naka-two piece sa singer na si Rico Blanco na punumpuno ng pintura ang katawan.

(REGGEE BONOAN)