Dahil pasado na sa Mababang Kapulungan ang death penalty bill, sinabi kahapon ng mga miyembro ng oposisyon sa Kamara de Representantes na hihintayin na lang nila ang tamang pagkakataon upang kuwestiyunin sa Supreme Court (SC) ang batas na nagbabalik sa parusang kamatayan sa bansa.

Sinabi ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, de facto spokesman ng “Magnificent Seven” opposition bloc, na maghahain sila ng kaso sa Hunyo laban sa pagbabalik ng death penalty.

“[We’ll] wait until the President (Rodrigo Duterte) signs it into law, and once it is signed, kahit hindi pa tuyo ‘yung tinta, pupunta kami sa Korte Suprema,” sinabi kahapon ni Lagman.

Matapos makapasa sa Kamara, kailangan munang pagtibayin ang panukala sa Senado bago malagdaan ni Pangulong Duterte bilang batas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“If Senate acts on this by early June, then by June we can take it up before the SC,” ani Lagman. “It’s definite, the President who is the architect of the reimposition of death penalty will surely sign this.” (Ellson A. Quismorio)