Tatanggap ng P13 dagdag sa suweldo ang mga kumikita ng minimum sa pribadong sektor sa Central Visayas simula sa Biyernes, Marso 10.

Batay sa inilabas na Wage Order No. ROVII-20 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, tatanggap ng nasabing umento ang mga manggagawa sa Cebu, Bohol at Siquijor.

Sa commercial at industrial sectors, ang mga manggagawa sa Class A cities at mga munisipalidad, o ang expanded Metro Cebu, ay tatanggap ng bagong arawang minimum na sahod na P366, habang ang mga empleyado sa Class B, kabilang ang mga siyudad ng Toledo, Bogo, at ibang mga munisipalidad sa Cebu, maliban sa mga isla ng Bantayan at Camotes, ay may daily rate pay na P333.

Ang arawang minimum na suweldo ng mga manggagawa sa Class C, kabilang ang Bohol at Negros Oriental, ay P323, habang P308 naman sa Class D, na kinabibilangan ng mga munisipalidad sa Siquijor at mga isla ng Bantayan at Camotes.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa sektor ng agrikultura, ang mga manggagawa sa Class A cities at municipalities ay tatanggap ng arawang sahod na P348 (non-sugar), P316 (sugar); at P318 (non-sugar) at P303 (sugar) naman para sa mga manggagawa sa Class B municipalities.

Ang mga manggagawa sa Class C na siyudad at munisipalidad ay may P303 (non-sugar at sugar) daily pay, habang ang mga nasa Class D na munisipalidad ay susuweldo ng P288 (non-sugar) at P303 (sugar). (Mina Navarro)