TUMATAG ang Café France sa kampanyang masikwat ang No.2 spot sa quarterfinals nang pabagsakin ang AMA Online Education, 92-83, nitong Lunes ng gabi sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nanguna si Rod Ebondo sa Bakers sa natipang 29 puntos, 18 rebound at anim na block, habang tumipa si Paul Desiderio ng 14 marker mula sa 3-of-6 shooting sa three-point area.

Nakabawi ang Café France sa malamyang laro sa third period nang simulan ang final canto sa matikas na 8-2 run para mabawi ang bentahe sa 75-70.

Nahila ng Bakers ang winning streak sa lima para patatagin ang karta sa 6-1.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Ang maganda rito, nasa mga kamay na namin ang lahat. We have to win our remaining games to land a spot in the top two,” pahayag ni Café France coach Egay Macaraya.

Nanguna sa AMA sina Juami Tiongson na humugot ng 23 puntos at anim na rebound at Jeron Teng na kumana ng 22 puntos, siyam na board at anim na assist para sa Titans (5-4).

Sa kabila ng kabiguan, nakasiguro ang AMA ng puwesto sa quarterfinals matapos pabagsakin ng Tanduay ang Batangas, 86-66.

“The whole country knows Jerwin Gaco, his experience and his tenacity. Baka marami pang natitira sa tangke niya at maging hulog ng langit sya sa amin,” sambit ni coach Lawrence Chongson, patungkol sa Tanduay veteran forward na si Jerwin Gaco.

Iskor:

(Unang laro)

TANDUAY 86 - Cruz 29, Gaco 22, Eguilos 11, Quinto 10, Vigil 5, Santos 3, Cenal 2, Sollano 2, Villamor 2, Asuncion 0, Palma 0, Sanga 0, Stevens 0, Varilla 0.

BATANGAS 66 - Sedurifa 14, Saitanan 11, Sara 10, Ablaza 7, Isit 6, De Joya 4, Mangabang 4, Dela Pena 3, Delfinado 3, Andrada 2, Laude 2, Fortu 0, Inciong 0, Lascano 0.

Quarters:

17-19, 41-27, 64-52, 86-66.

(Ikalawang laro)

CAFE FRANCE 92 - Ebondo 29, Desiderio 14, Arim 9, Casino 9, Calisaan 8, Faundo 6, Veron 5, Manlangit 4, Aquino 3, Baloria 3, Wamar 2, Guinitaran 0, Jeruta 0.

AMA 83 - Tiongson 23, Teng 22, Olayon 9, Alabanza 8, Arambulo 8, Barua 8, Taganas 5, Baluyot 0, Bragais 0, Riley 0.

Quarters:

28-19, 50-45, 67-68, 92-83.