ISULAN, Sultan Kudarat - Naniniwala ang militar at pulisya sa ilang bahagi ng Maguindanao na epektibo ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil matagal na anilang walang kaguluhan o labanan sa lalawigan.

Ito, anila, ay sa kabila ng presensiya ng ilang armado, na pinaniniwalaang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), sa mga bayan ng Datu Unsay, Datu Saudi Ampatuan, Datu Salibo at sa mga karatig na lugar sa Maguindanao.

Ayon sa MILF, malaki ang naging pagkapilay ng BIFF sa pagkubkob ng militar sa Barangay Tee sa Datu Salibo, Maguindanao. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote