AMMAN, Jordan (FIBA) – Nilagdaan ng Generations For Peace at FIBA Foundation -- International Basketball Foundation (IBF) – nitong Lunes (Martes sa Manila) ang tatlong taong pagtutulungan para isulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng sports sa mga kabataan sa Juba sa South Sudan.

Sa tulong ng South Sudan Basketball Federation at South Sudan National Olympic Committee, isusulong ang mga programa para mapaunlad ang mga kabataan sa refugee center sa bansang kabilang sa ginulo ng hidwaang politika at inter-tribal conflict ang 3x3 basketball.

Ang naturang programa ay isang pamamaraan para mapagkasundo at mapagsama sa iisang layunin ang mga kabataan mula sa magkaribal na tribo na Dinka at Nuer.

Gaganapin ang laro sa loob ng Area 107, isang residential area na ginawang kampo para sa mga kabataan na itinuturing Internally Displaced Persons (IDPs).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"We are delighted to sign this new partnership with the International Basketball Foundation. With the support of our two local program partners, the South Sudanese Basketball Federation and the South Sudanese Olympic Committee, we will use basketball to create safe spaces and build greater trust, tolerance and understanding among and between youth in rival tribes in vulnerable communities in Juba,” pahayag ni Royal Highness Prince Feisal Al Hussein ng Jordan, founder at chairman din ng Generations For Peace.

"We are delighted with the cooperation with such a well-respected non-profit organization as Generations for Peace.

It fits very well within the strategy of the Foundation to address social and educational issues with basketball. The new 3x3 basketball discipline is ideal to support the values and objectives of the program and addresses youngsters of both genders,” pahayag naman ni IBF President at FIBA Honorary President Yvan Mainini.

May kabuuang 560 kabataan ang kabilng sa 3x3 basketball-curriculum na pangangasiwaan ng local Generations For Peace volunteers. Sa kabuuan, 2,500 ang benepisaryo ng naturang programa.