Nadakip ng pulisya ang anim na katao makaraang salakayin ang isang umano’y drug den sa Barangay Kilicao, Daraga, Albay, iniulat ng pulisya kahapon.
Ayon kay Supt. El Cid Roldan, hepe ng Daraga Municipal Police, naaresto sina Aldrin Castor, Christian Ros Saclaosa, welder; Mark Anthony Ballarbare, caregiver; Marwel Carol Buenacillo; Randy Morgue; at Michael Ballarbare.
Ikinasa ang operasyon ilang oras makaraang ilunsad ng pulisya ang Double Barrel Reloaded, sa pagbabalik ng pulisya sa kampanya kontra droga. (Fer Taboy)