Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang ihinihirit na dagdag-singil ng Manila Electric Company (Meralco) upang mabawi ang dagdag-gastos ng huli kasunod ng maintenance shutdown ng Malampaya Natural Gas Facility noong Enero 28-Pebrero 16, 2017.

Gayunman, sa halip na 30 sentimos gaya ng hiling ng Meralco, 22 sentimos lamang kada kilowatt hour (kwh) ang dagdag-singil na inaprubahan ng ERC.

Paliwanag ng ERC, ang nasabing halaga ang nag-reflect sa pagkuwenta nila sa total fuel cost na umabot lamang sa P1.752 bilyon, mas mababa kumpara sa taya ng Meralco na P2.417 bilyon.

Ang nasabing halaga ay idadagdag sa generation charge bilang bahagi ng fuel cost sa panahong naka-shutdown ang Malampaya dahil sa maintenance nito.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang pagkolekta ng dagdag-singil ay ipatutupad simula ngayong Marso hanggang sa Mayo.

Nabatid na Enero 31, 2017 nang ihain ng Meralco sa ERC ang hirit na dagdag-singil sa kuryente matapos na maapektuhan ng Malampaya shutdown ang supply ng natural gas sa mga power plant. (Mary Ann Santiago)