“Paniniwalaan ba natin na inutusan siya ni Mayor Duterte? Alam naman niyang labag ito sa batas?”

Ito ang sinabi ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles hinggil sa pagharap ni retired SPO3 Arthur Lascañas sa Senado tungkol sa isyu ng Davao Death Squad (DDS), na umano’y itinatag ni Pangulong Rodrigo Duterte noon siya ay mayor pa ng Davao City, at nagbunga sa pagkamatay ng may 1,000 drug pusher, smuggler at iba pang kriminal.

Binanggit ni Nograles ang Chapter V Section 4(h) ng Ethical Doctrine Manual ng PNP na nagsasabing: “Law enforcement officials shall respect the law and the present Code. They shall also, to the best of their capability, prevent and rigorously oppose any violation of them.”

“At sinabi pa n’yang pumatay siya ng higit sa 200 katao. Mahirap paniwalaan ‘yan. Hindi ba’t mas paniniwalaan natin na pinagkakakitaan n’ya lang ang mga pagkakataong ito?” puna ni Nograles. (Bert De Guzman)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente