Abala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatakbo ng gobyerno at walang oras sa pamumulitika, partikular sa sinasabing pagsisikap na patahimikin si Vice President Leni Robredo at iba pa niyang kritiko, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kinikilala nila ang papel ni Robredo na silipin ang administrasyon at tanggap nila ang “healthy opposition” sa ilalim ng masiglang demokrasya ng bansa.

“On the question whether the Palace is involved in anti-Robredo efforts, the President and the members of his Cabinet have more pressing matters to attend to than engage in politicking,” diin ni Abella.

“Nobody is attempting to silence the Vice President to voice her opinion on issues close to her heart,” dagdag niya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ipinagkibit-balikat ni Robredo ang binansagang “Naga Leaks,” isang anonymous blog laban sa kanya at sa kanyang pamilya, at sinabi na ang mga ganitong pag-atake ay pagtatangka upang patahimikin ang oposisyon.

(Genalyn D. Kabiling)