SA 124 na pahinang ulat na may pamagat na “License to Kill: Philippine Police Killings in Duterte’s War on Drugs”, sinabi ng New York based Human Rights Watch (HRW) na ipinag-utos nina Pangulong Digong at ng kanyang mga opisyal ang pagpatay sa mga pinagsususpetsahang sangkot sa droga sa kampanyang maituturing na krimen sa sangkatauhan.

Inakusahan ng HRW ang PNP ng pagtatanim ng ebidensiya upang magamit na dahilan sa pagpatay. Ang mga vigilante, aniya, na may kagagawan ng extrajudicial killing ay, kung hindi katulong ng mga pulis, mga pulis mismo.

Ayon sa ulat, mga dukhang komunidad ang nahihintakutan ng mga pagpatay na lumalabas na organisado at intentional. Ang unang anim na buwan ng Pangulo sa puwesto ay human rights calamity daw para sa Pilipinas.

Pinabulaanan ng Pangulo ang mga nasabing akusasyon. Pero, sinabi niya: “Kapag pumatay ka ng kriminal, hindi ito krimen laban sa sangkatauhan. Walang humanity ang mga kriminal.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Si ‘Emmanuel,’ ang Hari na ipinanganak sa sabsaban para mapalapit sa atin

Nandito ang malaking problema. Gobyerno tayo ng batas at hindi tao. Isa ito sa mga batayang prinsipyo ng ating demokratikong lipunan. Dahil ito ang sistema ng ating pamahalaan, walang karapatan si Pangulong Digong na tawagin at ituring ang sino man na kriminal. Mali rin siya na sabihin ang patayin ito ay hindi krimen sa sangkatauhan.

Totoo, inihalal si Pangulong Digong ng taumbayan bilang pangulo at pinuno ng bansa. Pero hindi ito ang dahilan kahit pinakamalaking boto na ang kanyang nakuha sa kasaysayan ng ating pulitika para maglunsad ng kampanya laban... sa droga at utusan mong patayin ang sangkot dito kapag nanlaban. Ang ipinangako niyang susugpuin ang krimen at ilegal na droga ay dapat tuparin niya hindi ayon sa kanyang sariling diskarte kundi ayon sa batas.

Ang posisyon niyang pangulo, maging ang lahat ng posisyon sa gobyerno, ay likha ng batas. Kaya, dapat yumukod ang Pangulo sa batas.

Ang mga pagpatay na nangyayari sa kanyang giyera sa droga ay inako niyang kanyang responsibilidad. Managot siya sa batas kasama ang mga inutusan niyang labagin ito. (Ric Valmonte)