SINIMULAN ng University of Santo Tomas ang second round sa impresibong come-from-behind, 3-2, panalo kontra De La Salle sa UAAP Season 79 tennis tournament nitong Linggo sa Rizal Memorial Tennis Center.

Abot -kamay na lamang ng Lady Archers ang panalo matapos maitala ang 2-1, bentahe sa kanilang tie matapos manalo sa unang dalawang singles. Tinalo ni Chang Atangan si Kenzie’s Malinis sa opening singles, 7-6,6-3, habang namayani si Rachelle de Guzman kay Erica Maduriao, 6-2,6-4.

Nakasingit ang Tigresses nang manaig ang tambalan nina Ingrid Gonzales at Shymae Gitalan laban kina Kiana Gacias at Kylla Orillosa, 6-1, 6-1, sa unang doubles.

Naibigay naman nina Precian Rivera at tambalan nina April Santos at Genevieve Caorte and pinakamahalagang mga panalo para isalba ang UST.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iginupo ni Rivera si Jenni Dizon, 6-3, 3-6, 6-3, sa third singles bago pinataob nina Santos at Caorte ang pareha nina Jed Aquino at Princess Castillo, 7-6, 2-6, 6-4, sa final double event.

“Naka-pahinga sila,” ayon kay UST coach Dante Sta.Cruz. “Naka-recover sila sa last weekend na games. Ito yung naging result nila.”

“Sana ganun pa rin ang laruin nila. Yung intensity nila kanina, ganun pa rin sana. Ang UP pa naman, medyo maganda yung showing,” aniya. (Marivic Awitan)