NILINAW ng Federation Internationale de Volleyball (FIVB) na mananatiling ‘status quo’ ang katayuan sa membership ng Philippine Volleyball Federation (PVF) at Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. hangga’t hindi pa nareresolba ang usapin sa general assembly ng federation sa 36th World Congress sa susunod na taon.

Sa sulat ng FIVB na may petsang Pebrero 21, 2017 kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez, sinabi ng international body sa volleyball na kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang binuong Ad-Hoc Commission hingil sa liderato ng volleyball sa Pilipinas.

“For your reference, the regulatory framework governing the actions of the FIVB Ad-Hoc Commission for the Philippines is the FIVB Constitution, the FIVB General Regulations and the FIVB Disciplinary Regulations, and the Olympic Charter,” pahayag sa sulat ni FIVB General Director Mr. Fabio Azevedo.

“The FIVB Ad-Hoc Commission for the Philippines is to report its findings to the FIVB Board of Administration and ultimately to the 36th FIVB World Congress to be held in Punta Cana, Dominican Republic.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It should be stressed that the FIVB Ad-Hoc Commission for the Philippines is not vested with a decision making power as to determine the membership to the FIVB of the Philippine Volleyball Federation and the Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. Under the FIVB Constitution, this competence rests solely with the FIVB World Congress, which will take a decision in 2018,” ayon sa sulat ni Azevedo.

Ang naturang pahayag ay sagot ng FIVB sa ipinadalang sulat ni Fernandez na may petsang Pebrero 15, 2017 kung saan hinihingi ng sports agency ang katayuan ng FIVB sa ‘governance of the sport of volleyball in the Philippines’.

Ginawa ni Fernandez ang inisiatibo na hingan ng pahayag ang FIVB upang malaman ng PSC kung anong volleyball group ang bibigyan ng recognition kalapit ang tulong pinansiyal.

Sa kasalukuyan, ang LVPI, pinamumunuan ni POC first vice president Jose Romasanta, ang kinikilala ng Philippine Olympic Committee na siya ngayong nagsasagawa ng try-outs para sa pagsabak sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

Ang POC ang may karapatan sa pagpili ng mga atleta sa mga kompetisyon na nasa pangangasiwa ng International Olympic Committee (IOC) tulad ng Sea Games, Asian Games at Olympics.

‘In light of the above, the FIVB will inform the Philippine Sports Commission as soon as the 36th FIVB World Congress will have decided on the membership to the FIVB of the Philippine Volleyball Federation and the Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. Equally, any interim decision by the FIVB in this matter will be reported to the PSC,” pahayag ni Azevedo.

Matatandaang dumulog sa FIVB World Congress nitong Agosto ang PVF upang ipaglaban ang membership ng asosasyon, gayundin ang pagmamalabis sa kapangyarihan ng POC nang pangunahan ang pagbuo ng LVPI at ilegal na pagalis sa PVF bilang lehitimong miyembro ng National Olympic body.

Bilang tugon, nitong Oktubre 5, nagbuo ng Ad-Hoc Commission ang 35th FIVB World Congress upang magsagawa ng imbestigasyon hingil sa kalakaran ng volleyball sa bansa.

Nitong Disyembre 7, 2016, inaprubahan ng FIVB Board of Administration ang komposisyon nang mga miyembro ng FIVB Ad-Hoc Commission for the Philippines na binubuo nina Mr. Jaime Lamboy ng Portugal (Chairperson), Mr. Tomohiro Tohyama ng Japan at Mr. Vasavan Samuels ng South Africa bilang mga miyembro. (Edwin Rollon)