Sinabi ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kahapon na magpapasa siya ng bagong bill na kasama na ang plunder at rape sa mga krimen na parurusahan ng kamatayan, bagamat nagbabala siya sa House leaders na boboto laban, o mag-a-abstain at hindi sisipot sa botohan sa death penalty bill ngayong Martes na tatanggalan ang mga ito ng chairmanships at mahahalagang puwesto sa Kamara.

“Those who will be abstained, who are absent will be replaced,” sabi niya. Pero maaari silang manatili bilang miyembro ng supermajority, aniya pa.

Ang House of Representatives, na binubuo ng 293 kinatawan, ay inaasahang aaprubahan ang HB 4727 sa third and final reading ngayong araw.

Tiyak niya na ang plunder at rape ay papatawan din ng kamatayan sa bagong panukalang kanyang ihahain.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Plunder and rape will be together in one bill,” aniya.

Binanggit din niya ang posibilidad na ang panahon ng amendments ay maaaring buksan upang mapabilang ang dalawang krimen sa House Bill 4727, na layuning ibalik ang death penalty.

Itinanggi rin niya ang usap-usapan na ang kanilang bersiyon ng HB 4727 ay “watered-down”.

Muli namang hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga parokya, mga paaralan, religious groups, at religious congregations sa Archdiocese of Manila at mga mananampalataya na magnilay, magdasal at kumilos laban sa death penalty bill.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na dasalin ang “prayer vs death penalty” at magsagawa ng adoration at holy hour para magbago ng isipan at damdamin ang mga mambabatas na nagsusulong ng death penalty.

(Charissa Luci at Mary Ann Santiago)