LAUREL, Batangas – Balik-bilangguan ang isang babae nang maarestong muli makaraang takasan ang kanyang tatlong police escort habang nasa burol ng kanyang kapatid sa Laurel, Batangas.
Dakong 3:45 ng hapon nitong Linggo nang maaresto sa Barangay Dayap Itaas, Laurel, si Cineza De Sagun, 37, akusado sa ilegal na droga.
Ayon kay PO2 Juvit Ariola, Sabado nang tanghali nang takasan ni De Sagun ang mga jail guard escort niyang sina Provincial Guard 1 Sergio Saturnio Jr, PG1 Froilan Velasquez at SG1 Joel Campued.
Habang nasa burol ng kapatid, nagpaalam umano si De Sagun na magbabanyo ngunit hindi na bumalik. (Lyka Manalo)