Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kasong pandarambong laban kay dating Senator Jinggoy Estrada kaugnay sa pork barrel fund scam.

Nagpasya ang 5th Division ng Sandiganbayan na ilipat sa Abril 17 ang pre-trial proceedings kahapon upang bigyan ng sapat na panahon ang depensa at prosekusyon na maayos ang lahat ng usapin sa paglilitis.

Nakakulong ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Estrada kaugnay sa akusasyong tumanggap siya ng P183.793 milyong kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF). (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'