Hiniling ng mga kongresista sa House Committee on Ways and Means na aksiyunan agad ang panukalang babaan ang personal income tax (PIT), na bahagi ng Comprehensive Tax Reform Package (CTRP) ng pamahalaan.
Sinimulan ng komite ni Rep. Dakila Carlo Cua (Lone District, Quirino) ang pagdinig sa 27 panukalang batas na baguhin ang ipinapataw na income tax rate sa mga indibiduwal at amyendahan ang ilang seksiyon ng Republic Act 8424.
Ang mga panukala ay binubuo ng House Bill Nos. 4774, 4688, 20, 35, 39, 57, 103, 137, 295, 333, 403, 411, 466, 562, 1536, 1601, 1604, 1656, 1657, 1696, 1945, 1950, 2347, 2427, 2544, 3259 at 3360.
“Ang sinasabi lang natin, unahin na natin itong reduction of individual income taxes because in fact, this is an unfinished business of the previous Congress,” ani Tinio. (Bert De Guzman)