Hindi na kailangang makibahagi ng mga lider ng Simbahan sa Oplan Tokhang, ang kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaang Duterte.

Sinabi ng isang dating lider ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nila kailangang sumama sa mga operasyon ng pulisya para sa Oplan Tokhang dahil hindi nila ito trabaho.

“The intention is good but we each have our own work to do. I think it would be ironic to see priests there in the police work and then the police will be the ones to say Mass,” sabi ni retired Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa isang panayam.

Nitong Linggo, inimbitahan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga pari na samahan ang mga pulis sa “Oplan Tokhang Part 2” sa pagkatok ng mga ito sa bahay ng mga pinaghihinalaang gumagamit o sangkot sa ilegal na droga upang matiyak na walang mangyayaring pang-aabuso.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gaya ni Cruz, hindi rin nakikita ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee, na kailangan pang may sumamang pari sa mga operasyon ng pulisya.

“There’s no need for priests to join Oplan Tokhang. De la Rosa already claimed that there are enough safeguards to prevent abuses,” aniya. (LESLIE ANN G. AQUINO)