MUKHANG mas in love si Kiana Valenciano kaysa sa boyfriend niyang si Sam Concepcion base sa mga post niya sa social media.
Nag-post ang bunsong anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan sa kanyang Instagram account ng kuha sa kanila ni Sam noong Valentine’s Day na magkalapit ang kanilang mukha at may caption na, ‘my first prom’.
Kamakailan ay muli siyang nag-post ng litrato na tila nasa isang picnic sila at nakaupo siyang nakayakap kay Sam na nakahiga naman at may caption na, ‘Can’t get enough so stay with me.’
Napansin ng followers ni Kiana na siya raw ang masyadong in love kay Sam, na isang litrato lang nila ang naka-post na may caption namang, “She matches my crazy!” dalawang linggo na ang nakararaan.
Sabi pa ng netizen, “Panay post si girl sa social media. She must be so in love. ‘Yung guy naman keber lang.”
May mga nagkomentong hindi sila boto kay Sam dahil may pagkamayabang daw bukod pa na tinawag siyang party boy tulad ni James Reid, at kaya nga raw sila magkaibigan.
Samantala, nakita namin si Ms. Angeli sa press launch ng I Can Do That at inaming boto sila kay Sam para sa bunso nila dahil matagal na nila itong kakilala, simula bata pa.
Kaya nu’ng umamin daw ang dalaga sa Gandang Gabi Vice kamakailan ay hindi na sila nagulat dahil matagal na nilang alam.
“If I’m not mistaken, last December lang sila (naging on) officially, pero sobrang tagal na silang magkaibigan, since Trumpet days pa,” sabi sa amin ng mama ni Kiana. (Reggee Bonoan)