KALIBO, Aklan - Isinusulong ng Department of Health (DoH) na gawing smoke-free ang buong Western Visayas.
Ayon kay Dr. Marlyn Convocar, director ng DoH-Region 6, halos lahat ng lalawigan sa Western Visayas, kasama ang Negros Occidental, ay nagnanais na maging smoke-free.
Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, kasama na ang mga tanggapan ng gobyerno, sa rehiyon. (Jun N. Aguirre)