Umaapela sa publiko ang pamilya ni ALICE CHUA na tulungan sila sa paghahanap sa kanya, isang 64-anyos na residente ng Marulas, Valenzuela City, na nawawala simula pa nitong Pebrero 20, 2017.
Apektado ng Alzheimer’s disease, huling nakita si Alice suot ang dilaw na T-shirt, pantalon at jacket na navy blue.
Ang anumang impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan ay mangyaring ipagbigay-alam sa anak niyang si Catherine sa 294-1762 o sa 0917-8327585.