CEBU CITY – Arestado ang isang 65-anyos na lalaki matapos niya umanong gahasain ang dalawa niyang apong babae, isang anim na taong gulang at isang otso anyos, sa loob ng kanyang bahay sa kabundukang barangay sa Cebu City.

Ayon kay PO2 Yolanda Arcillas, ng Women and Children Protection Desk ng Guadalupe Police, naaresto ang matanda bandang 1:30 ng umaga nitong Linggo.

Sinabi ni Arcillas na pinapasok ng suspek ang anim na taong gulang niyang apo sa loob ng kanyang bahay nang manghingi ng pera ang paslit. Sinamantala umano ito ng matanda upang halayin ng daliri ang bata bago ito abutan ng pera.

Gayunman, nagsumbong ang bata sa ama nito, na kaagad namang nag-report sa pulisya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matapos maaresto, napag-alaman ng pulisya na ginawa rin umano ng suspek ang kaparehong pang-aabuso sa nakatatandang kapatid ng bata noong Disyembre 2016.

Inamin naman ng suspek ang krimen, ngunit ikinatwirang lasing siya nang mangyari iyon. (Mars W. Mosqueda, Jr.)