DINUROG ng league-leader at defending champion Adamson University ang De La Salle University ,9-1, sa isang abbreviated fifth inning sa pagpapatuloy ng UAAP Season79 softball championship nitong weekend sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Pinangunahan ni Lady Falcons Delyrose Covarrubias ang Adamson sa nasabing panalo.

“Sabi ko lang sa mga bata, basta huwag lang sila mag-relax and continue kung ano yung magandang ginagawa nila. Kaso naaksidente pa yung isa kong player, sana hindi malala at makalaro pa,” ayon kay multi-titlist mentor Ana Santiago.

Pormal na sinelyuhan ng Lady Falcons ang panalo sa fourth inning pa lamang matapos magtala ng tatlo pang runs habang binokya naman ang kalaban.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Naitala ng La Salle ang nag-iisa nitong run sa second inning nang ihatid ni Debbie Tanaka sa home base si Jen Gomez.

(Marivic Awitan)