CALATAGAN, Batangas - Sugatan ang isang driver ng van matapos na barilin sa mukha ng hindi nakilalang suspek sa Calatagan, Batangas.

Nilalapatan pa sa ospital si Roberto Bayaborda, 47, taga-Barangay Lucsuhin, Calatagan.

Ayon sa report ni PO2 Samuel Riva, dakong 3:40 ng umaga at pasakay sa kanyang Kia Besta van (RBU-831) ang biktima nang lapitan ng suspek at barilin sa mukha sa Bgy. Gulod.

Tumakas ang suspek sakay sa motorsiklo, at inaalam pa ng pulisya ang motibo nito. (Lyka Manalo)

Probinsya

Barangay captain, bodyguard arestado sa kasong estafa, illegal possession of loose firearms