Sampung oras na mawawalan ng kuryente ang malaking bahagi ng Isabela, Ifugao at Quirino bukas, Marso 8, 2017.

Ayon kay Lilibeth P. Gaydowen, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-North Luzon CorpComm & Public Affairs officer, ang brownout ay simula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi na makaaapekto sa mga sineserbisyuhan ng Quirino Electric Company, Isabela Electric Company I, at Ifugao Electric Company.

Ang pagkukumpuni sa mga pasilidad ng tatlong kumpanya ay bahagi ng maintenance work sa mga ito. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!