Sugatan ang isang barangay tanod makaraang saksakin ng kanyang kapitbahay na matagal na umano nitong kaalitan sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nagtamo ng malalim na saksak sa katawan at patuloy na inoobserbahan sa ospital si Rowell dela Cruz, 46, ng 1918 F. Varona Street, sa Tondo.

Tinutugis naman ang itinuturong suspek na si Ronald Jose, nasa hustong gulang, ng 1920 F. Varona St., Tondo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ricky Reloj, ng Manila Police District (MPD)-Station 1, matagal nang magkaaway ang suspek at ang biktima kaya nang magkita ay nagkaroon ng kumprontasyon na nauwi sa saksakan. (Mary Ann Santiago)

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3