MAKAKASAMA ni Rhea Santos ang beauty queen at Kapuso host na si Ariella Arida ngayong Miyerkules, Marso 8 sa Tunay na Buhay.
Unang kinoronahan si Ariella bilang Binibining Laguna 2011 pero hindi siya pinalad na manalo sa Miss Philippines Earth nang sumunod na taon. Gayunpaman, hindi siya sumuko at sa kanyang muling pagrampa sa Binibining Pilipinas 2013, siya na ang nag-uwi ng korona. Nag-third runner-up pa siya sa Miss Universe.
Sa ngayon, araw-araw na siyang napapanood bilang co-host ng Wowowin.
Silipin ang buhay na kinagisnan at alamin ang mga paghihirap na pinagdaanan ni Ariella bago siya naging certified beauty queen.
Abangan ito sa Tunay na Buhay ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.